GAME OVER

What if aksidente mong naduraan ang isang mayabang, ma-pride, mayaman, antipatiko, at ubod ng sungit na gwapong dayo sa lugar ninyo?

Hindi lang 'yon-sa pangalawang pagkikita n'yo, nabato mo pa siya ng tsinelas... sa mukha!

Akala mo doon na magtatapos ang malas mo. Pero hindi-dahil isang misteryosong deal ang mag-uugnay sa inyo.

Isang deal na magdadala sa'yo sa nakakatawa, nakakakilig, at minsan nakakainis na laro... isang laro na hindi mo alam kung kailan matatapos, o kung may tsansa ka bang manalo.

At kung sa gitna ng lahat ng tawanan at kilig... biglang bumusina si tadhana ng Game Over-handa ka bang um-exit, o itutuloy mo hanggang sa huling round? 


FINISH LINE

For every students in Rafictions University , expect na everything will change. For one student, love is not part of the plan. Since his first heartbreak, naniniwala na siyang love is nothing but trouble. Pero mukhang iba ang plano ng tadhana... lalo na nang makilala niya ang isa sa pinaka-hot at notorious players sa campus - sa pinaka-unexpected na oras at lugar.

Sa kabilang side ng story, may isang super stylish freshman na matagal nang may secret crush - almost three years na. Ang target ng puso niya? Yung matalino at gwapong nerd na laging top sa exams. Pero paano kung biglang dumating ang perfect chance para magkalapit sila? Will he take the risk, or mananatili na lang sa stolen glances at silent admiration?


ENCA MAJICA

Paris Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayaman, whatever things he want ay nakukuha niya. Kung saang lugar man niya gustuhing mapunta ay nagagawa niya. What if one day he will be in to a world that he never thought existed?

Sa panahon na ito na nasa millennial generation na tayo ay hindi niya aakalin na ang mga ibang nilalang like fairies, dragons at mga nag-ga-gwapuhang prinsipe ay nag e-exist.

Higit sa lahat, hindi niya aakalain mapapasok siya sa isang paaralan kung saan ang itinituro ay hindi Math, Physics nor English ..

but magic.


ENCA MAJICA 2

Mula sa mahiwagang Enca Majica, natuklasan ni Paris Ayala ang isang mundong higit pa sa kanyang inaakala—ang Zatra.

Isang daigdig na nakatago sa mga paningin, pinamumunuan ng mga nilalang na hindi pa kailanman nasilayan ng sinuman. Dito, ang bawat anino ay may lihim, at ang bawat bulong ng hangin ay maaaring magdala ng kasinungalingan o katotohanan.

Sino ang mga nananahan sa Zatra? Sila ba’y magbibigay daan tungo sa kanyang pag-asa—o hahadlang sa kanyang kapalaran?

Sa pagtuklas ni Paris sa mga misteryo ng mundong ito, mas lalo lamang siyang mahuhulog sa lalim ng mga sikreto na magbubukas ng bagong yugto sa kasaysayan ng Enca Majica.


ENCA MAJICA 3

Sa mundong tinatawag na Fortes, walang katiyakan ang tagumpay—tanging lakas at tapang ang puhunan.

Dito haharap si Paris Ayala sa mga nilalang na kayang yumanig ng buong daigdig. Nasa kamay niya ang kapalaran ng anak na si Kariza at ng pinakamamahal na Haring Kirkus. Ngunit sa bawat hakbang, mga lihim na mas malalim pa sa dilim at mga puwersang mas mabagsik pa sa unos ang sasalubong sa kanya.

Sa paglalakbay na ito, saan hahantong ang kanyang sandata—sa pagbitak ng kabiguan o sa pagningning ng tagumpay?