●▬๑۩PARIS۩๑▬●

Duguan na kaming dalawa ni Francess dahil sa lakas ng kapangyarihang tumama sa amin. Sa tanang buhay ko, hindi ko inakalang makakalaban ko ang isang nilalang na kagaya niya. Isang nilalang na walang gustong lumaban. Isang nilalang na hindi kayang labanan ng isang Maji at ng isang Fortes.

“F-Francess… h-hindi ako makahinga,” hirap kong wika, pilit inaabot ang kanyang kamay.

“M-Master… h-hinding hindi kita pababayaan,” ani Francess, habang unti-unting nagliliwanag ang kanyang kanang kamay.

“Ngu-ngunit… h-hindi maaari, Francess. B-bilin ni Ela na huwag nating gagawin iyan… dahil maaari mong ikamatay,” luhaang sagot ko, nanginginig ang tinig.

“M-Master…” mahina niyang tawag habang dahan-dahang gumagapang papalapit sa akin. “H-hayaan mo akong gawin ang trabaho ko… a-ako ang iyong Enca… tungkulin kong pangalagaan ka. P-pakiusap, Master… l-let me die so you can live…”

At doon ako napahagulhol.

Ayaw ko man, ngunit wala akong pagpipilian. Hindi kami makakawala sa bangungot na ito kung hindi gagawin ang ipinagbabawal. Walang ibang daan palabas, walang ibang susi pabalik sa Enca Majica. Kung hindi namin gagawin ito ngayon, dito na kami mababaon, kasama ng aming mga pangarap at mga alaala.

Alam kong ang desisyon na ito ay may kapalit—at baka iyon ay ang mismong buhay ni Francess. Ngunit kung mananatili akong nakahandusay at mananahimik, pareho lang kaming mamamatay. At kung gano’n, wala nang babalik sa Enca Majica. Wala nang magtatanggol sa mundo na iniwan namin.

“M-mahal na mahal kita, Francess… m-mahal na mahal kita, aking Enca. You will always be my little Francess… forever, until the end,” basag kong tinig, sabay hawak sa kanyang kamay.

At sa sandaling iyon, lumiwanag ang paligid… at naging isa ang aming katawan, muli.

Next
Next

●▬๑۩RAVI۩๑▬●